Skip to Main Content
Start Main Content

Serbisyo ng Museo

Ang Departamento ng Paglilibang at Serbisyo sa Kultura (LCSD) ay nagpapatakbo ng 15 museo at 2 pang ibang espasyo ng sining, at ang bawat isa ay may kakaibang tampok. Sa malawakan, ang mga museong ito ay nagtatampok ng sining, kasaysayan at agham. Ang aming pananaw ay ang makapagbigay ng nakakapag-bigay inspirasyon na karanasan na makaaaliw sa lahat.

 

(A)Mga Museo

 

1. Museo ng Sining sa Hong Kong

Itinatag noong 1962, Ang Museo ng Sining sa Hong Kong ay ang unang pampublikong museo ng sining sa lungsod na naglalaman ng sari-saring koleksyon ng sining, na nagpapakilala sa kakaibang pamana ng kultura ng Hong Kong at nag-uugnay sa buong mundo. Sa pamamagitan ng pagkolekta ng malawak na mga pagkakaiba, mula sa luma hanggang bago, Tsino sa maka-kanluran, lokal sa internasyonal, na mayroong pananaw ng Hong Kong, kami ay naghahangad ng mga panibagong paraan ng pagtingin sa tradisyon at magkaroon ng kaugnayan ang sining sa bawat isa, gumawa ng mga bagong karanasan at pag unawa.

Lokasyon
10 Salisbury Road, Tsim Sha Tsui, Kowloon, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino:https://hk.art.museum/en/web/ma/home.html

 

2. Museo ng Pamana sa HongKong

Ang Museo ng Pamana sa Hong Kong ay nagpapakita ng kakaibang pinaghalong kasaysayan, sining at kultura sa Malaki at sari-saring programa na nagsisilbi sa malawak na interes ng publiko. Parehong idinisenyo upang makalibang at makamulat, ang buhay na buhay at nagbibigay kaalamang eksibisyon at aktibidad ay nag-aalok ng mala-kaleidoscope na hanay ng kultural at pang-edukasyong mga karanasan para sa mga bisita. Ang museo ay naglalaman ng anim na permanenting mga galeriya - HongKong Pop 60+, ang Galerya ng Jin Yong, Bulwagan ng Pamana ng Cantonese Opera, ang T.T. Tsui Galeriya ng Tsinong Sining, Ang Galeriya ng Chao Shao-an at ang Galeriya sa Pagtuklas ng mga Bata- gayundin ang anim na may temang galeriyang regular na naghahanda ng mga eksibisyong ipinalalabas ang iba’t ibang kultura ng Hong Kong at ng mundo. Nakatayo sa tabi ng Shing Mun River, ang pagbisita sa museo ay palaging makabuluhan tuwing pista opisyal at katapusan ng Linggo.

Lokasyon
1 Man Lam Road, Sha Tin ,New Teritorries, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino:https://hk.heritage.museum/en/web/hm/highlights.html

 

3. Museo ng Kasaysayan sa Hong Kong

Ang Museo ng Kasaysayan sa Hong Kong ay nagmula sa Galeriya at Museo ng Munisipyo. Ito ay itinayo noong 1962 at muling pinangalanang Museo ng Lungsod at Galeriya ng Sining noong 1969. Noong 1975, ito ay hinati sa Museo ng Sining sa Hongkong at ang Museo ng Kasaysayan sa Hong Kong. Ang huli ay unang inilagay sa nirentahang lugar sa Star House, Tsim Sha Tsui. Noong 1983, inilipat ito sa pansamantalang lugar sa Kowloon Park, at noong 1998, inilipat ito sa kasalukuyang kinalalagyan sa Chatham Road South, Tsim Sha Tsui.

Ang permanenting tahanan ng Museo ng Kasaysayan sa Hong Kong ay sa bagong gusali na ginawa sa halagang HK$390M at pinondohan ng Pamahalaan ng Hong Kong SAR. Ito ay isang komprehensibo at dekalidad na museo na idinisenyo ng P&T Architects and Engineers Ltd., ayon sa konseptong arkitektural ni Ginoong E. Verner Johnson. Ang bagong Museo at ang katabing Museo ng Agham ay magkasamang bumubuo sa complex ng museo ng may maayos na itsura at iskema ng kulay.

Lokasyon
100 Chatham Road South, Tsim Sha Tsui, Kowloon, Hong Kong

Maaari mong Mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino:https://hk.history.museum/en/web/mh/index.html

 

4. Museo ng Agham sa HongKong

Simula ng buksan ito noong 1991, Ang Museo ng Agham sa Hong Kong ay nagbibigay ng edukasyonal, nakaka-inspire at interactive na mga karanasang nakapokus sa pagsulong ng agham at teknolohiya. Nagsisilbi rin ito bilang bahagi ng network na nag-uugnay sa ibang museo ng agham at teknolohiya/ mga organisasyon sa buong Hong Kong at nakapaligid na rehiyon.

Lokasyon
2 Science Museum Road, Tsim Sha Tsui East, Kowloon, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino:https://hk.science.museum/en/web/scm/index.html

 

5. Museong Pangkalawakan sa Hong Kong

Mahusay na inilagay sa tabing dagat ng Tsim Sha Tsui, ang Museong Pangkalawakan sa Hong Kong ay nagsimulang gawin noong 1977, kasama si Ginoong Joseph Ming Gun LEE ng Departamento ng Pampublikong Gawain na nagsisilbi bilang pangunahing arkitekto. Pinasinayaan noong Oktubre 1980, ang Museong Pangkalawakan ng Hong Kong ay ang unang lokal na planetarium na inalay sa pagsikat ng Astronomiya at Agham sa Kalawakan. Ang kakaibang hugis itlog na simboryo ay nagbibigay sa museo ng isa sa pinakakilalang palatandaan sa Hong Kong.

Lokasyon
10 Salisbury Road, Tsim Sha Tsui, Kowloon, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o pinasimpleng Tsino:https://hk.space.museum/en/web/spm/home.html

 

6. Museyo ng Hong Kong ng Digmaan ng Pagtutol at Pagtanggol sa Baybayin

Binuksan sa publiko noong 2000, Ang Museyo ng Hong Kong ng Digmaan ng Pagtutol at Pagtanggol sa Baybayin (MWRCD) ay museo ng militar na pinalitan mula sa isandaang taong lumang Lyemun Fort sa lupaing 64 na metro sa ibabaw ng antas ng dagat na tanaw ang Lyemun Pass.

Ang MWRCD ay muling binuksa sa publiko mula ika 24 ng Nobyembre 2022, pagkatapos ng malawakang pag-aayos. Ang permanenteng inayos na eksibisyon ay nagpapakita ng kasaysayan ng Paglaban sa Digmaan laban sa Pagsalakay ng Hapon at ang pagbabago ng pagtatanggol sa baybayin ng Hong Kong at mga usaping militar mula sa Tang Dynasty hanggang sa pagbabalik ng Hong Kong sa Inangbayan. Ang mga elemento ng multimedia, makabagong paraan ng pagtatanghal at ang may tematikong approach ay isinaksak sa permanenting pagbabago ng eksibisyon at ang landas sa kasaysayan ng museo para masalaysay ang kakaibang istorya sa kasaysayan ng military at pagtatanggol sa baybayin.

Lokasyon
175 Tung Hei Road, Shau Kei Wan, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://hk.waranddefence.museum/en/web/mcd/about-us.html

 

7. Museo ni Dr. Sun Yat-sen

Si Dr. Sun Yat-sen ay kilala sa buong mundo bilang isang rebolusyonaryo na ibinigay ang kanyang buong buhay para mapatalsik ang Qing Dynaty at itayo ang Republika ng Tsino. Ang kanyang mga tagumpay ay kinilala at hinangaan hindi lamang ng mga lokal at Tsino sa ibang bansa, gayundin ng buong mundo. Si Dr Sun ay may malapit na relasyon sa Hong Kong, kung saan sya tumanggap ng kanyang sekondarya at edukasyon sa unibersidad. Ang Hong Kong din ang naging duyan ng kanyang rebolusyonaryong pag-iisip at mga plano ng pag-aalsa.

Binuksan sa publiko noong 2006, ang Museo ay nagbibigay ng komprehensibong pananaw sa buhay at karera ni Dr. Sun, at ang mahalagang papel ng Hong Kong sa kilusang pagbabago at rebolusyonaryong mga aktibidad sa huling bahagi ng ika 19th na siglo at unang bahagi ng ika 20th siglo.

Ang Museo ni Dr. Sun Yat-sen ay nagbibigay halaga sa malapit na kaugnayan nya sa Hong Kong, upang ang lokal na mamamayan at turista mula sa ibang bansa ay makapag gunita ng tungkol sa aktibidad ng dakilang Tsino na ito.

Lokasyon
7 Castle Road, Mid-Levels, Central, Hong Kong

Maaari mong Mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino:https://hk.drsunyatsen.museum/en/web/sysm/home.html

 

8. Flagstaff Bahay Museo ng Kagamitang Pang Tsaa

Nagbibigay-tuon sa Koleksyon, pag-aaral at pagpapakita sa kagamitang pang tsaa, ang sangay ng museo at Flagstaff House ay itinatampok sa kalagitnaan nito ang mga donasyon ni Dr. K.S. Lo (1910-1995), na kinabibilangan ng maraming magagandang halimbawa ng sikat na kagamitan sa tsaa ng Yixing.

Binuo noong 1840’s, ang Flagstaff House ay dating nagseserbisyo bilang tanggapan at bahay ng komandante sa Pwersa ng Britanya sa Hong Kong. Ito ay ginawang Museo ng Kagamitang Pang Tsaa noong 1984, na may bagong sangay, Ang Galeriya ng K.S. Lo, na idinagdag noong 1995. Sa tabi ng eksibisyon, ang Museo ay nagdadaos ng regular na pagpapakita, pagtitipon para sa tsaa at programang panayam upang isulong ang sining ng seramik at kultura sa pag-inom ng tsaa ng mga Tsino.

Lokasyon
10 Cotton Tea Drive, Central, Hong Kong (sa loob ng Parke ng Hong Kong)

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino:https://hk.art.museum/en/web/ma/opening-hours.html

 

9. Museo ng Riles sa Hong Kong

Nakatayo sa sentro ng bayan sa Palengke ng Tai Po, Ang Museo ng Riles sa Hong Kong ay isang open-air na museong ginawa mula sa lumang Istasyon ng Riles sa Palengke ng Tai Po. Itinayo noong 1913, ang gusali ng istasyon ay nagpapakita sa mataas na bubong bilang tradisyonal na gusali ng Tsino. Idineklara itong monumento noong 1984, inayos at binuksan bilang museo noong 1985.

Ang panlabas na lugar ng museo ay nagtatampok sa malawak na gauge steam locomotive, dalawang de krudong pangkoryenteng makina, makasaysayang mga upuan, trolleys at semaphores upang mahawakan ng mga bisita ang mga reliko ng riles.

Lokasyon
13 Shung Tak Street, Tai Po Market, Tai Po, New Territories, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino:https://www.heritagemuseum.gov.hk/en/web/hm/museums/railway.html

 

10. Galeriya ng Eksibisyong Fireboat Alexander Grantham

Ang fireboat na Alexander Grantham ay nagserbisyo noong 1953. Bago ang pagtigil ng paggamit nito ng 2002, nagsilbi ito bilang punong barko ng Departamento sa Serbisyo ng Sunog sa Hong Kong sa pangkat ng fireboat, tumutugon sa mga alarma ng sunog at nagsasagawa ng mga operasyon ng pagliligtas sa parehong katubigan ng Hong Kong at sa mga baybayin. Ang Alexander Grantham ay ginawa ng Hong Kong & Whampoa Dock Co. Ltd. at, nanatiling saksi sa kasaysayan ng Hong Kong sa mga serbisyo ng pagliligtas sa karagatan, ito rin ay isang testamento sa mga tagumpay ng Hong Kong sa paggawa ng barko noong 1950s.

Sa pagbibigay ng malalim na kahalagahan sa kasaysayan ng Alexander Grantham, kinuha ng Museo ng Kasaysayan sa Hong Kong ang fireboat dahil sa kanyang koleksyon, at muling isinaayos upang maging Galeriya ng Eksibisyon ng Fireboat na Alexander Grantham at binuksan ito sa publiko noong 2007. Sa galeriya, may mga ilang kakaibang mga artefacts na pamatay sunog na ipinakita, na naghahandog ng mayamang impormasyong na nakadisplay sa format na multimedia upang makadagdag kaalaman sa mga bisita ng mga gawain tungkol sa pagsagip sa dagat ng Hong Kong.

Lokasyon
Quarry Bay Park, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino:https://hk.history.museum/en/web/mh/about-us/fireboat-alexander-grantham-exhibition-gallery.html

 

11. Law Uk Katutubong Museo

Tinagurian noon bilang lugar ng ilang nayon sa Hakka, ang orihinal na setting sa kanayunan ng Chai Wan ay binago ang anyo ng lungsod sa ilang huling dekada. Ngayon, ang alaala ng mga nayon ng Hakka ay npinapangalagaan ng Law Uk (ang uk ay Cantonese para sa “bahay”), ang bahay sa nayon na isinunod sa pangalan ng orihinal na may-ari, ang pamilya ng Hakka na ang Tsinong apelyido ay isinalin sa ponetiko bilang “Law”. Ang kasaysayan ng bahay ay makikita mula sa mahigit na nakalipas na 200 taon, noong ginawa ito ng pamilya Law sa panahon ng paghahari ni Emperador Quianlong (1736-1795) sa Qing Dynasty. Idineklara ang Law Uk bilang makasaysayang monumento noong 1989. Ito ay pinapangalagaan bilang nag-iisang natitirang halimbawa ng kakaibang arkitektura sa Chai Wan.

Ang Law Uk ay tipikal na bahay sa nayon ng Hakka. Ang loob ng bahay ay proporsiyonal na nakaayos sa paligid ng pangunahing bulwagan. Sa gilid ay mayroong silid tulugan at lugar ng trabahong may silid sa itaas. Sa harap ng bulwagan ay may mababaw na balon na may kusina at bodega sa magkabilang panig. Upang maibigay sa manonood ng pakiramdam ng kung anong makikita sa loob at kung papaano nabuhay ang mga orihinal na nakatira doon, ang bahay ay mayroong mga kagamitan ng nayon, gamit pangluto at pagtatanim na pinili mula sa koleksyon ng Museo.

Lokasyon
14 Kut Shing Street, Chai Wan, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://hk.history.museum/en/web/mh/about-us/law-uk-folk-museum.html

 

12. Lei Cheng Uk Han Museo ng Libingan

Ang Libingan ng Lei Cheng Uk Han ay nadiskubre noong 1955 noong panahon na ang Pamahalaan ay nagpapatag ng bundok sa nayon ng Lei Cheng Uk para sa pagtatayo ng gusali ng resettlement. Ayon sa pagkakagawa nito, ang mga nakaukit sa bato ng libingan at nakikitang libingan, pinaniniwalaan na ang libingan ay ginawa sa Eastern Han dynasty (25-220 AD). Ang libingan ay idineklarang nakapahayagang monumento noong 1988 at permanenting inalagaan magmula noon. Kahit pa sarado ito sa publiko sa kadahilanang konserbasyon, ang mga bisita ay maari pa ring masilip ang loob ng libingan sa pamamagitan ng harang na salamin sa daanan ng pasukan.

Ang bulwagan ng eksibisyon ay ginawa katabi ng libingan. Bilang karagdagan sa display ng mga banga at kagamitang tanso na nahukay mula sa libingan, mayroong eksibisyong pinangalanang “Libingan ng Lei Cheng Uk Han” sa display. Mga teksto, guhit, mga litrato, mga mapa, videos at modelo ay ginamit upang ipakilala ang heyograpiyang kinalalagyan, pagtuklas at paggawa sa libingan.

Lokasyon
41 Tonkin Street, Sham Shui Po, Kowloon, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://hk.history.museum/en/web/mh/about-us/lei-cheng-uk-han-tomb-museum.html

 

13. Ang Sentro ng Hindi Mahahawakang Mga Kasaysayan sa Kultura ng Hong Kong (matatagpuan sa Museo ng Sam Tung Uk)

Ang Sam Tung Uk ay isang 200 taong nakapader na nayon ng Hakka na idineklarang monumento noong 1981. Ito ay binago bilang Museo ng Sam Tung Uk ay binuksan sa publiko pagkatapos ng pagsasaayos noong 1987.

Ang proporsyonadong kaayusan sa Museo ng Sam Tung Uk ay kaparis ng isang chessboard na may bulwagan papasok, gitnang bulwagan at ang bulwagan ng mga ninuno sa gitnang axis. Mayroong apat na indibidwal na tirahan sa gitna, at ang lugar ay kumpletong napapaderan bawat hanay ng bahay sa bawat tabi at sa likod.

Noong 2016, ang Sentro ng Hindi Mahahawakang Mga Kasaysayan sa Kultura ng Hong Kong (Hong Kong Intangible Cultural Heritage) (ICH) ay itinayo sa Museo ng Sam Tung Uk bilang display at sentrong pagkukunan upang mapaghusay ang kaalaman ng publiko at mamulat sa ICH. Para magbigay ng maganda at nakaka-inspire na karanasan sa pagbisita, dumaan ito sa malaking pagbabago ng eksibisyon sa huling bahagi ng 2020. Ang pagbabagong ginawa ay ang pinakamalaki mula noong ginawa ang Sentro ng ICH sa Hong Kong.

Lokasyon
2 Kwu Uk Lane, Tsuen Wan, New Territories, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.icho.hk/en/web/icho/sam_tung_uk_museum.html

 

14. Museo sa Bayan ng Sheung Yiu

Nakatayo sa loob ng magandang tanawin ng Sai Kung Country Park, ang orihinal na Sheung Yiu Museo ng Bayan ay naunang itinayo sa nayon ng Hakka noong huling bahagi ng ika 19 na siglo. Ang nayon at ang katabing hurnuhan ay itinala sa pahayagan bilang monumento noong 1981. Pagkatapos itong mabago, ang nayon ay binuksan bilang museo noong 1984.

Lokasyon
Pak Tam Chung Nature Trail, Sai Kung, New Territories, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.heritagemuseum.gov.hk/en/web/hm/museums/sheungyiufolk.html

 

15. Archive ng Pelikula sa Hong Kong

Ang Tanggapan ng Pagpaplano sa Archive ng Pelikula sa Hong Kong ay binuo noong 1993 upang mapangalagaan at maisulong ang sinehan sa Hong Kong. Ang permanenting tahanan nito, isang 7 200 metro kwadradong gusali na may pasilidad tulad ng maliit na sinehan, bulwagang pang eksibisyon, sentrong pinagkukunan, baul ng koleksyon at laboratory ng pagpapanumbalik, ay binuksan noong 2001. Ang archive ay bumibili ng mga materyales karamihan mula sa mga donasyon, na syang nakalista at maaaring makita ng publiko. Nagsasaayos ito ng mga programa ng pelikula, eksibisyon at paglalathala ng aklat upang tumaas ang kamulatan sa kasaysayan ng sinehan sa Hong Kong.

Lokasyon
50 Lei King Road, Sai Wan Ho, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino:https://www.filmarchive.gov.hk/en/web/hkfa/home.html

 

 

(B) Mga Lugar para sa Sining

1. Oi!

Ang Oi! Ay isang lugar para sa sining makikita sa North Point ng komunidad na sikat sa publiko. Ang pangalan nito ay may ugnay sa mga idea sa likod nito pati na ang lokasyon: ang ‘Oi!’ ay kaparehong tunog sa address sa Cantonese na nagpapahiwatig ng pagtawag sa atensyon ng tao habang nagbibigay ng plataporma kung saan ay maiisip nila ang kanilang pangarap sa sining.

Kasama sa Oi! ang makasaysayang gusali na binuksan noong 1908. Ito ay ang clubhouse sa samahan ng magyayate na nakatayo sa harap ng tubigan ng North Point nang oras na iyon. Kasunod ng mga gawain ng pagwawasto sa lupa noong 1930s, ang gusali ay unang pinalitan bilang kwarto ng mga tauhan para sa Departamento ng mga Gamit ng Pamahalaan at kalaunan ay naging imbakan para sa Tanggapan ng mga Antigo mga Bantayog. Pagkatapos na mailaan sa Tanggapan ng Promosyon sa Sining para sa muling pagpapasigla at pagpapanumbalik sa dati, ang pulang bato na ika-II Grado ng makasaysayang gusaling may baldosang bubong ay muling pinangalanang Oi!, na binuksan sa publiko noong 2013.

Upang makapagbigay ng mas maraming espasyo upang magka-inspirasyon at tumaas ang imahinasyon, ang Oi! ay mas pinalawak noong 2022, kung saan ang kadikit na panlabas at panloob na espasyo ay isinama sa orihinal na lugar. Ang bagong dagdag ay parehong nagbibigay ng panlabas at panloob na espasyo upang paghandaan ang malawak at sari-saring eksibisyon ng sining at aktibidad na kalahok ang komunidad na naghihikayat sa publikong maglibang sa kapaligiran at papagningasin ang mga malikhaing ideya.

Lokasyon
12 Oil Street, North Point, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino:https://www.apo.hk/en/web/apo/oi.html

 

2. Sentro ng Visual Arts sa Hong Kong

Matatagpuan sa ibabaw ng Parke ng Hong Kong, Ang Sentro ng Visual Arts sa Hong Kong (vA!) ay matatagpuan sa Cassels Block, na itinayo sa mga unang dekada ng ika 20th siglo bilang dagdag na Kwartel ng ng Hukbo ng Briton sa Victoria upang makapagbigay ng kwarto sa mga mag-asawang opisyal. Ang kwartel ay ibinigay sa pamahalaan at isinama ang proyekto sa Parke ng Hong Kong noong 1985. Isang bagong pakpak na may salaming canopy ay idinagdag ng baguhin ang Cassels Block at naging vA!. Ang Sentro ay binuksan noong 1992.

Ginawa bilang pababa sa gilid ng bundok, ang Grado I na orihinal na makasaysayang gusali ay may apat na tatlong palapag na tirahang may brick, limewashed na harap at tatsulok na gable na nasa istilo ng isang sinaunang Griyego sa pagitan ng mga bloke. Ang Silangan at Kanlurang bahagi ay may bukas na collonated na mga beranda na tipikal na istilo ng Edwardian Classical Revival.

Ang vA! ay isang bukas, maraming direksyong espasyo ng sining na nagbibigay diin sa edukasyon sa sining, pagsasaliksik, at pagpapalit. May gamit na para sa daluhasang kagamitan, ang lugar ay nagpapakita sa espasyo ng eksibisyon at kagila gilalas na malikhaing kapaligiran.

Lokasyon
7A Kennedy Road, Central, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino:https://www.apo.hk/en/web/apo/va.html