Ang mga silid ng paglalaro ng mga bata ay ibinibigay ng Kagawaran ng Mga Serbisyo sa Paglilibang at Kultura (LCSD) sa lungsod at sa Mga Bagong Teritoryo nang libre. Ang Silid ng Paglalaro ng mga Bata ay pangunahing dinisenyo para sa paggamit ng mga bata na may edad mula 4 hanggang 9 na ang taas ay hindi hihigit sa 142 cm. Ang mga bata na wala pang 4 na taon ay dapat na may kasamang magulang o tagapag-alaga sa loob ng silid ng paglalaro.
Para sa mga detalye, mangyaring mag-klik dito*.
Ang LCSD ay nakatuon sa pagbibigay ng de-kalidad na mga pasilidad sa libangan at palakasan para sa pampublikong paggamit na kung saan ang mga palaruan ng mga bata ay bumubuo ng malaking bahagi. Sa kasalukuyan, humigit-kumulang 70% ng aming mga palaruan ay nag-aalok ng iba't ibang mga inklusibong kagamitan sa paglalaro na angkop para sa lahat ng mga bata, kabilang ang mga may kapansanan. Ang mga disenyo ng kagamitan ay naglalayong magdala ng kasiyahan sa mga bata habang tinutulungan silang matuto ng iba't ibang kasanayan para sa balanseng pag-unlad.
Para sa impormasyon tungkol sa ilang mga lugar na may inklusibong kagamitan sa paglalaro, mangyaring mag-klik dito*.
Ang apat na Kampng Pang-holiday sa ilalim ng pamamahala ng LCSD ay ang Parke ng Lei Yue Mun, Holiday Village ng Lady MacLehose, Sentro ng Panlabas na Paglilibang ng Sai Kung at Sentro ng Panlabas na Paglilibang ng Tso Kung Tam. Ang mga ito ay mga mainam na lugar upang mapawi ang stress ng buhay sa lungsod.
Kampo sa Araw | 9:30am hanggang 4:30pm |
Residensyal na Kampo | 2:30pm hanggang 1:00pm sa araw ng pag-checkout |
Kampo sa Gabi | 4:30pm hanggang 10:30pm |
Mga Aktibidad Sa Palakasan | Pag-akyat na Isports, Pamamana, Rope Course, Badminton, Table-tennis, Tennis, Squash, Amerikanong Pool, Gatebol, atbp. |
Mga Aktibidad sa Libangan | Air hockey, Tsinong Bilyar, Karaoke, Sining & Likha, Pagbabasa, Panunuod ng TV, Palaro sa mga Bata, Laro sa Soccer, atbp. |
May mga restawaran at lugar para mag-ihaw sa bawat Kampong Pang-holiday. Ang mga pang-araw-araw na pagkain at meryenda ay ibinibigay ng caterer. Ang mga campers ay maaaring mag-order ng iba pang mga set meal, BBQ packs, at karagdagang mga pagkain nang maaga.
Para sa mga detalye, mangyaring mag-klik dito*.
Oras ng Opisina para sa Pag-book at Pagbabayad
Lunes hanggang Biyernes: | 8:30am hanggang 4:00pm |
Sabado: | 8:30am hanggang 11:00am |
(Maliban sa Linggo at Piyesta Opisyal)
Oras ng Opisina
Lunes hanggang Biyernes: | 8:30am hanggang 5:00pm |
Sabado: | 8:30am hanggang 12:00nn |
(Maliban sa Linggo at Piyesta Opisyal)
Lady MacLehose Holiday Village
Pak Tam, Sai Kung, New Territories
Telepono: 2792 6430 / 2792 6417
Fax: 2792 0254
Email: lmhv@lcsd.gov.hk
Sentro ng Panlabas na Paglilibang ng Tso Kung Tam
105 Ruta Twisk, Tsuen Wan, New Territories
Telepono: 2417 1107 / 2415 6812
Fax: 2492 4436
Email: tktorc@lcsd.gov.hk
Sentro ng Panlabas na Paglilibang ng Sai Kung
21 Hong Kin Road, Tui Min Hoi Area, Sai Kung, New Territories
Telepono: 2792 3828 / 2792 0046
Fax: 2792 0203
Email: skorc@lcsd.gov.hk
Parke ng Lei Yue Mun
75 Chai Wan Road, Hong Kong
Telepono: 2568 7455 / 2568 7858
Fax: 2568 8304 / 2967 5554
Email: lymp@lcsd.gov.hk
Para sa mga detalye, mangyaring mag-klik dito*.
Maaari mong makita ang listahan ng mga sumusunod na pasilidad ng palakasan sa lupa sa pamamagitan ng pagbisita dito.
Ang Hong Kong Zoological at Botanical Gardens ang pinakamatandang parke sa teritoryo na may lawak na 5.6 ektarya na napapalibutan ng Garden Road, Robinson Road, Glenealy, at Upper Albert Road at nahahati sa silangan at kanlurang bahagi ng Albany Road. Ang dalawang bahagi ay konektado ng isang pedestrian subway. Ang silangang bahagi na kilala bilang Old Garden ay may mga palaruan ng mga bata, aviaries, isang green house, at ang fountain terrace garden samantalang ang kanlurang bahagi o ang New Garden ay pangunahing tahanan ng mga mammal at reptilya.
Oras ng Pagbukas at Pagpasok
Fountain Terrace Garden : | 5am hanggang 10pm |
Green House / Edukasyon at Exhibition Center : | 9am hanggang 4:30pm |
Seksyon Ng Mga Mamalya : | 6am hanggang 7pm |
Iba Pang Mga Lugar : | 6am hanggang 7pm |
Pagpasok: Libre
Para sa karagdagang detalye ng Hong Kong Zoological at Botanical Gardens, mangyaring bisitahin ang webpage (www.hkzbg.gov.hk/en/visitPage.html).
Para sa mga detalye sa mga parke, zoo at hardin, mangyaring mag-klik dito* .
Mangyaring sumangguni sa link sa www.lcsd.gov.hk/en/facilities/facilitieslist/otherfacilities.html tungkol sa listahan ng mga sumusunod na pasilidad at lugar:
Ang bersyong Tagalog ay naglalaman lamang ng piniling pangunahing impormasyon. Maaari mong ma-akses ang buong nilalaman ng aming website sa Ingles, Tradisyonal na Tsino o Pinasimpleng Tsino.