Skip to Main Content
Start Main Content

Sining ng Pagganap

Ang Departamento ng Paglilibang at Serbisyo ng Sining (The Leisure and Cultural Services Department (LCSD)) ay may mga sumusunod na tanggapan/bahagi, na may dedikasyong magsulong ang iba’t ibang aktibidad sa sining ng pagganap.

 

1. Gusaling Tanggapan ng Manonood

Pagpapakilala

Upang mapahusay ang pagsisikap na mapaunlad ang edukasyon para sa pagpapaunlad ng manonood at edukasyon sa sining, Ang LCSD ay nagtayo ng Gusaling Tanggapan ng Manonood (Audience Building Office) (ABO) sa unag bahagi ng 2000. Pakay namin ang pagsulong ng kaalaman at pagtanggap ng pagganap sa sining at komunidad at antas ng paaralan sa pamamagitan ng pagbuo ng iba’t ibang iskema sa gusali ng manonood at aktibidad ng edukasyon sa sining sa pakikipagtulungan sa mga grupo ng Samahan sa sining at edukasyon.

Pananaw

Ang ABO ay nagsasaayos ng iba't ibang iskema para sa gusali ng manonood at edukasyon sa sining sa batawang pangmalawakang teritoryo at nagsusulong ng kaalaman at pagtanggap sa sining at kultura sa komunidad at antas ng paaralan. Sa pamamagitan ng pagyakap sa sining sa pang-araw araw na pamumuhay, nakakaya nitong pagandahin ang kultural na kaalaman sa lipunan upang makasabay sa pag unlad ng Hong Kong bilang world class na lungsod at kapital sa mga pagdiriwang.

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa tanggapan sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.abo.gov.hk/

 

 

2. Seksyon sa Pagtatanghal ng Kultura

Pagpapakilala

Ang Seksyon sa Pagtatanghal ng Kultura (CP Section) ng LCSD ang may pananagutan sa pagsasaayos ng mga programa sa kultura. Ang aming layunin ay ang maglinang ng ekolohiyang kaaya aya sa pagpapalago ng kultura. Nakatutok kami sa pagpapaangat ng ating kaalaman sa kultura at pagbabagong anyo ng ating lipunan na maging mas makatao, kumpleto at mapagkumpitensya sa paggawa ng sining bilang bahagi ng ating buhay. Ang mga aktibidad sa maikling panahon na may malawak na iba't ibang porma ng sining at makakalugod sa panlasa ng buong komunidad ay itinatanghal taon taon sa mga lugar pagtatanghal ng LCSD sa buong teritoryo. Kabilang dito ang mga kahanga hangang mga bituin, kilalang mga lokal na kumpanya, at mga kabataang talent. Mga kalahati ng mga aktibidad na isinaayos ay mga programa sa pagtanggap sa sining na may pananaw na mapaghusay ang pagtanggap ng mga manonood, ang iba sa kanila ay espesyal na dinisenyo para sa mga mag-aaral at komunidad. Dahil sa malapit na ugnayan ng Hong Kong at ang Mainland, kinikilala namin ang pangangailangang matugunan ang pangangailangan sa mas maraming katangi tanging tropa ng Tsino, na siyang makakapagpakita ng mayamang tradisyon, pagkapino at iba’t ibang kultura ng Tsino; at ang malawak ng kapanapanabik na programa sa Tsino na ipapakita. Binuo mula sa lakas kung saan ang ating lugar ay kung saan ang kultura ng Tsino at ng Kanluran ay magsama, isinusulong din namin ang aktibidad ng pakikipagpalit ng kultura.

Pananaw

Ang Seksyon ng CP ay naniniwala sa kakayahan ng sining at kultura upang mapagyaman at mapabuti ang buhay ng tao. Pinahihintulutan tayo ng sining na galugarin ang mga bagong abot tanaw at magpapanariwa. Pinagaganda ng sining ang kalidad ng ating buhay, nagbibigay inspirasyon para maging mas mapagparaya, magbukas at maging mapaglikha sa pagharap sa mga hamon. Layunin namin ang makapagbigay sa kapaligiran kung saan ang paghahanap sa maka sining at magpapayamang kultura ay parte ng araw araw na pamumuhay ng tao sa Hong Kong. Nagsisikap upang mailagay ang sining at kultura sa puso at buhay ng mga tao, ang seksyon ng CP ay naghahangad na maging mas tumutugon at mas aktibo tulad ng masigasig na publikong nagtataguyod sa sining at kultura upang makatulong na maiba ang anyong maging malikhain, maging makumpitensya at makatao sa lipunan.

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa tanggapan sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/CE/CulturalService/Programme/

 

 

3. Tanggapan ng Programa sa Pamayanan

Pagpapakilala

Ang Tanggapan ng Programa sa Pamayanan (The Community Programmes Office) ng LCSD ang may pananagutan sa pagbuo ng dalawang pangunahing uri ng kultural na programa, i.e. sa malawak na teritoryo ng kasiyahan at karnabal, gayundin ang pagtitipon ng makasining na kultura ng pamayanan (18dART Iskema sa Sining ng Pamayanan) sa bawat 18 distrito ng Hong Kong.

Pangmalawakang Teritoryo ng Kasiyahan at Karnabal

Ang Pangmalawakang Teritoryo ng Kasiyahan at Karnabal ay inihahandog kapag mayroong malaking kasiyahan at pagdiriwang sa buong taon, kasama na ang Lunar na Bagong Taon at ang Pagdiriwang ng Parol sa Kalagitnaan ng Taglagas, nagtatampok ng iba’t ibang pagganap at pagsali ng mga aktibidad mula sa mainland at lokal na grupo ng sining. Gayundin, ang LCSD ay nakipagtulungan sa konsulado ng iba’t ibang bansa sa Asyano sa Hong Kong sa pagsasa entablado ng “Asyano +Pagdiriwang : Mga Pagtatanghal sa Kulturang Etniko ng Asya” (“Asia+ Festival: Asian Ethnic Cultural Performances”) bawat taon para maisulong ang kakaibang kultura at artistikong talent mula sa mga bansang Asyano.

18dART Iskema ng Sining sa Pamayanan

Mula noong 2019, ang Tanggapan sa Programa ng Pamayanan ay ipinakilala ang 18dART Iskema ng Sining sa Pamayanan (18dART), na syang nagdadala ng sining ng pagtatanghal sa bawat 18 distrito ng Hong Kong. Sa ilalim ng 18dART, ang mga artista ay nakakayang ipakita ang mga ugat at tumutok sa kanilang malikhaing pagsasanay. Sa pamamagitan ng pagpapanatili, ang mga yugto-yugtong aktibidad sa sining kung saan minsan ay naiuugnay at naisasali ang kalikasan, ang 18dART ay nagtatakda hindi lamang para makagawa ng positibong epekto sa mga kasali, bagkus para bumuo ng programa sa sining ng pamayanan na nabibilang sa bawat distrito.

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa tanggapan sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.cpo.gov.hk/

 

 

4. Tanggapan ng Pagdiriwang

Pagpapakilala

Ang Tanggapan ng Pagdiriwang ay naghain at nagbuo ng dalawang pagdiriwang kada taon para sa pagtatanghal ng malaking pagganap sa pasilidad ng LCSD:

  • Ang Internasyunal na Karnabal ng Sining sa tag-init; at
  • Ang Pagdiriwang ng Asyano+ sa tag-lagas.

Ang Internasyunal na Karnabal ng Sining

Ang taunang pagdiriwang sa tag-init na Internasyunal na Karnabal ng Sining ay isang pagdiriwang ng sining na sadyang ginawa para sa mga bata at kanilang pamilya. Nagtatampok ng iba’t ibang grupo ng mga tanyag na mula sa ibang bansa at mga lokal na artista bawat taon, ang Karnabal ay nagpapalabas ng entabladong puno ng saya at mga programa online na walang limitasyon sa karunungan, kung saan sinasakop ang sirko, mahika, sayaw, pagmamanyika, teatro ng musika at pagganap sa multimedia upang palawakin ang makasining na pananaw ng manonood at mahikayat ang walang hanggang imahinasyon ng mga bata nasaan man sila, sa loob man o labas ng teatro. Ang Karnabal ay may nakalinyang malawak na iba’t ibang ekstensiyon ng aktibidad kabilang na ang mga workshops, pag-uusap at pagpapalabas. Kasama din ang mga aktibidad ng magulang-anak na binuo ng pinangangasiwaang museo at silid-aklatan ng LCSD sa paglipas ng tag-araw.

Pagdiriwang ng Asyano+

Sa ilalim ng pagtatangkilik ng ika-14 na Nasyunal na Limang Taong Plano, Ang Hong Kong ay magsasagawa ng isang-buong paraan upang makagawa ng sentro ng pagtatagpo ng Silangan at Kanluran para sa pagpapalitan ng pang-internasyunal na kultura. Ipinakilala ng Kawanihan ng Kultura, Palakasan at Turismo at binuo ng Departamento ng Paglilibang at Kultural na Serbisyo, ang taunang pagdiriwang sa taglagas “Pagdiriwang ng Asyano+” (Asyano+) ay idinadaos ang iba’t ibang kultura ng Asyano at ang Belt at Road na rehiyon, pinapakita ang kanilang kakaibang sining at kultura. Sa tulong ng konsulado at mga samahang kultural ng ibang bansa sa Hong Kong, ang Asyano+ ay isang patunay sa walang hanggang mga posibilidad na maaaring mangyari sa kulturang pakikipagtulungan sa pamamagitan ng iba’t ibang pagdiriwang, kasama na ang mga pagganap sa entablado, eksibisyon, panglabas na karnabal at pagpapalabas ng pelikula tampok ang mga nangungunang artista at tropa.

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa tanggapan sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/fo/

 

 

5. Tanggapan ng Programa sa Pelikula

Pagpapakilala

Ang Tanggapan sa Programa ng Pelikula (FPO) ay naglalayong isulong ang pagpapahalaga ng pelikula at sining ng media kahalintulad sa pag-unlad ng Hong Kong bilang world-class na lungsod at kapital sa pagdiriwang.

Mga Programa

Ang FPO ay nagsasaayos ng taunang programang may kinalaman sa pelikula tulad ng pagpapalabas ng pelikula, mga seminar at iba pang aktibidad ng pagpapahalaga sa pelikula at kulturang lugar sa teritoryo:

  • pagbibigay ng may kalidad at sari-saring pelikula at programa sa sining ng media para sa lahat at pagpapakita sa pag-unlad at pagsulong ng pelikula at sining ng media;
  • pagsusulong ng synergy na may kulturang institusyon, konsulado at samahan ng pelikula sa pagpapahusay sa pagtanggap ng pelikula at sining ng media;
  • pag-aalaga sa interes ng pamayanan sa pelikula at sining ng media sa pamamagitan ng dalubhasang pagpaplano ng pagtanggap sa pelikula at programang pang edukasyon para sa mga bata at kabataan; at
  • pagsulong sa malikhain at malayang produksyon ng maiksing pelikula, bidyo, animasyon at sining sa media.

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa tanggapan sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/fp/

 

 

6. Tanggapan ng Musika

Pagpapakilala

Itinatag noong Oktubre 1977 ng Pamahalaan, ang Tanggapan ng Musika ay nagsusulong ng karunungan at pagtanggap ng musika sa pamayanan, lalo na sa mga kabataan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng instrumental at grupong pagsasanay at pagsasama ng iba’t ibang aktibidad sa musikang may pananaw na makagawa ng makabagong henerasyon na mga manonood sa konsyerto. Ito ay sumailalim sa pangangasiwa ng Departamento ng Paglilibang at Serbisyong Kultural mula Enero 2000.

Mga Programa

Ang Tanggapan ng Musika ay nagpapatakbo ng tatlong programa ng pagsasanay: Iskema ng Pagsasanay sa Musika ng Intrumental, Grupong Pagsasanay, at Kurso ng Outreach na Interes sa Musika. Bilang karagdagan, binubuo nito ang programang pakikipagpalit sa internasyunal na musika para sa kabataan, ang Kampo ng Musika ng Kabataan sa Hong Kong, musika ng kabataan na humahalo at iba’t ibang aktibidad sa pagsusulong ng musika. Tinutukoy nito ang mga malalaking grupo mula sa pangunahin at sekondaryang mag-aaral sa paaralan hanggang sa mga miyembro ng publiko mula sa iba’t ibang takbo ng buhay.

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa tanggapan sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/musicoffice/

 

 

7. Liaison Office sa Pagpapalitan ng Kultura

Pagpapakilala

Ang Liaison Office sa Pagpapalitan ng Kultura (CXLO) ay naglalayong isulong at palalimin ang pakikipagpalitan ng kultura sa pagitan ng Hong Kong at ng Mainland gayundin ang pagpaptibay ng koneksyon sa sining ng ibang bansa at kultural na samahan sa pag-anyayang maging sentro ang Hong Kong para sa internasyunal na pagpapalitan ng kultura.

Pananaw

Ang CXLO ay naglalayong pangalagaan ang pagpapalitan ng kultura at pagkakaintindihan sa Mainland at iba pang rehiyon sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga samahan ng kultura at institusyon sa buong mundo.

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa tanggapan sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.cxlo.gov.hk/

 

 

8. Tanggapan ng Programang Pop Culture

Pagpapakilala

Ang Tanggapan ng Programang Pop Culture (PCPO) ay nagsasaayos at naghahanda ng taunang “Pagdiriwang ng Pop Culture sa Hong Kong” ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang stakeholders ng industriya, kung saan ay hindi lamang pinapaganda ang tiwala ng mga tao sa kultura ng Hong Kong at pinanghahawakan ang kakaiba at kaakit akit na kultura ng lungsod, kundi pati na rin ang pag-aasikaso sa pakikipagpalitan ng kultura sa pagitan ng Hong Kong at iba pang rehiyon, at pagsamahin ang kinatatayuan ng Hong Kong bilang sentro ng pagsalubong ng Silangan at Kanluran para sa internasyunal na pakikipagpalitan ng kultura. Ang pagdiriwang ay magtatampok sa sari-saring programa at aktibidad, kasama ang sining ng pagganap, may temang eksibisyon, pagpapalabas ng pelikula, pagdiriwang ng silid aklatan at outreach na programa upang mahinang ang pakikipagtulungan sa lahat ng henerasyon at disiplina at itaas ang pagkamulat ng publiko sa pop culture ng Hong Kong.

Pananaw

Ang pop culture ng Hong Kong ay isang permanenting haligi ng ating lokal na kultura, gayundin ang pagiging mahalagang tatak ng kultura sa Hong Kong. Kinakatawan nito ang talas ng ating isip sa pagsasanib ng mga kultural na elemento ng Silangan at Kanluran, ng Hilaga at Timog, at ng bago at luma upang linangin ang pabago bagong tagpuan ng kultura sa Mainland, Hong Kong at sa buong mundo. Ang aming kapansin pansing tagumpay sa pop culture ay ang ipinagmamalaki ng mga tao sa Hong Kong.

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa tanggapan sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.pcf.gov.hk/